Mood:
Now Playing: Ang kahirapan
Topic: talumpati
Kahirapan!! Isang salitang tumatak sa aking puso't isipan.
Sa araw-araw kong pagbabasa ng pahayagan, napapansin kong
maraming karumal-dumal na krimen ang nagaganap, At napapansin kong ang kahirapan ang kadalasan nilang dinadahilan. karapat-dapat nga ba silang paniwalaan?
Sa araw-araw kong pagbabasa ng pahayagan, napapansin kong
maraming karumal-dumal na krimen ang nagaganap, At napapansin kong ang kahirapan ang kadalasan nilang dinadahilan. karapat-dapat nga ba silang paniwalaan?
Para sa akin, hindi dahilan ang kahirapan para umangat sa lipunan dahil sinisikap kong umangat gamit ang aking sariling talino at pagsisikap. Ako ma'y isang mahirap na mamamayan subalit hindi ko magagawa ang gano'ong klaseng karumal-dumal na paraan ng pamumuhay dahil ako'y may prinsipyo at dignidad sa buhay. Ang kahirapan ay hindi problema kung ang isang pamilya ay may pagkakaisa at sama-samang nagtutulungan. Makakamit natin ang ating minimithi kung mamahalin natin ang ating sarili ng may pananalig at tiwala sa Diyos.
May ibat-ibang antas ng pamumuhay ang tao, ang mahirap at ang mayaman. Marami ang nakapagsasabi na ang mga taong umangat mula sa kahirapan ay hindi na raw maghihirap muli dahil napagdaanan na niya ang ibat-ibang problema na humubog sa kanyang personalidad na maging malakas at tumayo sa sarili nitong mga paa. Ang mga tao naman na lumaki sa itaas o ang mga mayayaman ay madaling papanghinaan ng loob kapag nasa oras na ng kagipitan. Karapat dapat nga ba silang paniwalaan?
Para sa akin wala sa antas ng pamumuhay para maging matagumpay dahil ang tagumpay ay matatamo lamang kung ang isang tao'y may tiwala at tiyaga sa sarili.
Posted by glensky03
at 10:44 AM EDT
Updated: Tuesday, 11 September 2007 9:28 PM EDT

